“Pangaapi/Pangungutya/Pagtatanggi” Diskriminasyon, Alamin!
Kung maimumulat lamang ang mata at isip mo, makikita mo ang tindi, lawak, at epekto nito sa ating paligid at sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw. Ito ay isang malaking problema na dinadanas ng karamihan ngayon sa lipunan. Masaklap ito, lalo kung walang aksyon ang estado upang panagutin o proteksyunan ang mga mamamayan mula rito. Hindi lamang pisikal ang tinatamo mula sa agresyon ng gumagawa nito, nanunuot ang pinsala nito hanggang sa mentalidad at sikolohikal na aspeto ng mga biktima nito.
Ito ay ang pagbibigay ng kakaibang trato o pagtanggi, pabor o laban, sa isang tao o grupo ng tao base sa kanilang:
Ilan lamang iyan sa mga uri/anyo ng diskriminasyon. Ang ating mga pagkakaiba ay hindi dapat batayan kung tayo ay pakikisamahan.
Mga Kalagayan ng Diskriminasyon sa Pilipinas
I. Kasarian/Gender- Ang mga taong nadidiskrimina o ginugulo dahil sa kasarian pagkakilanlan ay legal na protektado sa ilalim ng kasarian. Kabilang dito ang transsexual, transgender at intersex, cross-dressers, at iba pang mga tao na ang kasarian pagkakilanlan o pagpapahayag ay naiiba mula sa kanilang kasarian nang sila’y ipinanganak.
Alamin ang iyong mga karapatan
Ayon sa Alintuntunin ng mga Karapatan Pantao ng Ontario [Ontario Human Rights Code], ang bawat tao ay may karapatan maging malaya mula sa diskriminasyon batay sa kasarian at kabilang dito ang sekswal na panliligalig.
Ang halimbawa ng diskriminasyon sa Kasarian/Gender: Ang pangyayaring ito ay naganap sa Samal Island. Isang transwomen ang hindi pinayagang gumamit ng palikurang pangbabae dahil sa pahayag na ang transwomen ay hindi totoong babae mula sa Isla Reta. “We strictly do not allow transgender-women to use women (CR). We only have two CR- for males and females. We are just protecting the right of woman.” sabi ng may-ari.
OPINION
Transgender Women are women. Transgender Men are men. Regardless of what’s in between their legs.
II. Relihiyon- Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay nauugnay sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao (aplikante o empleyado) dahil sa kanyang pananampalataya. Hindi lang ang mga taong nabibilang sa mga tradisyonal at organisadong relihiyon gaya ng Budismo, Kristiyanismo, Hinduismo, Islam, at Hudaismo ang pinoprotektahan ng batas, pinoprotektahan din nito ang mga taong tapat na sumusunod sa kanilang pananampalataya o sa mga prinsipyo ng etika o moralidad.
Ang diskriminasyon batay sa relihiyon ay maaari ding maugnay sa sa pagturing sa isang tao sa ibang paraan dahil ang taong iyon ay kasal (o nauugnay) sa indibidwal na may partikular na relihiyon.
Halimbawa: Ito ay naibalita kung saan idinaraing ng ilang Muslim na nadi-discriminate daw sila sa paghahanap ng trabaho. Lumala pa raw ito nang sumiklab ang gulo sa Marawi. Maraming muslim ang naghahanap ng trabaho ngunit hindi pinapalad, at ang nakikita nilang dahilan ay ang sinusuot nilang hijab. May mga pagkakataon na kahit hindi sila nakasuot ng hijab ay nakakaranas parin sila ng discrimination, “Hindi naman natin maaalis sa Resume na aalisin yung kung ano kang relihiyon, ang nakalagay po islam. Kapag sinasabi po na islam…Ay terorista kayo?” ani ng nainterview na islam.
Pang araw-araw na reyalidad ang diskriminayon laban sa mga Muslim. Ayon sa mga nakaranas ng diskriminasyon mas lumala ito ng sumiklab ang gulo sa Marawi, pero sana naman daw ay maintindihan na hindi kasalanan ng lahat ang kagagawan ng iilan.
Walong Halimbawa ng Diskriminasyon sa Kasarian sa buong mundo.
1.) Gender Gap (Gender Inequality at work place)-tumutukoy sa magkaibang sahod ng babae at lalaki sa parehas na trabaho o pusisyon.
2.) Pagbabawal sa pagmamaneho- Mula 1957, ipinagbabawal ng Saudi Arabia ang pagmamaneho ng mga babae. Pagkalipas ng animnapung taon (60), saka lamang nabigyan ng karapatang magmaneho ang mga babae sa Saudi Arabia.
3.) Restriksyon sa kasuotan- Ang ilang konserbatibong bansa sa mundo ay nagtakda ng kasuotan para sa kababaihan gaya ng Saudi Arabia, Gambia, Sudan at North Korea.
4.) Walang pahintulot sa paglalakbay- Mahigpit ang panuntunan ng Saudi Arabia para sa pagbyahe ng kababaihan. Ang pagbyahe sa ibang bansa ay kailangan ng permiso mula sa tagapag-alaga o guardian na karaniwan ay ama, kapatid na lalaki o asawa.
5.) Pag-aabuso sa LGBT- Isa sa halimbawa nito ay ang pagpasa ng bansang Uganda ng “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
6.) Female Genital Mutilation (FGM)-Isinasagawa ng mga pangkat-etniko ang FGM sa 27 bansa timog Sahara at hilagangsilangan ng Aprika, at mas malimit sa Asya. Karaniwang ginagawa ito ng tradisyunal na magtutuli gamit ang patalim, maaaring may pagmamanhid o wala. Iba-iba ang edad ng mga babaeng sumasailalim dito. Kalahati ng mga bansa kung saan maaaring makita ang mga datos, karamihan sa mga babae ay tinutuli bago maglimang taong gulang.
7.) Female Infanticide- Lumalabas sa pag-aaral ng Asian Center for Human Rights, isang NGO sa Delhi India na nagtataguyod ng karapatang pantao na ang pagkakaroon ng anak na lalaki kaysa babae ang pangunahing dahilan ng female infanticide o pagpatay sa sanggol na babae o pagsasagawa ng aborsyon. Itinuturing na pabigat ang kababaihan sa Timog Asya dahil sa Sistema ng pagbibigay dowry.
8.) Kawalan ng legal na karapatan (Lack of legal Rights)- Hindi tinatamsa ng kababaihan ang ilang legal na karapatan. Ang pangaggahasa ng asawang lalaki sa asawang babae ay hindi na itinuturing na krimen sa afganistan, Algeria, China, Bangladesh, Haiti, Libya, Saudi Arabia, at Yemen.
Mga Kalagayan ng Diskriminasyon sa ibang bansa
Ang bawat tao ay may karapatang makadama ng kaligtasan at maging bahagi ng kanyang komunidad. Sa panahon ngayon, ito’y nagiging pagsubok at isang pribilehiyo dahil sa malawakang rasismo at kasuklaman, dahil nagkakaroon ng takot at nagkakaroon ng exclusion ang mga biktima nito.
I. Lahi- Ang diskriminasyon batay sa lahi ay may kinalaman sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao dahil mula siya sa partikular na lahi o dahil sa mga personal na katangian na nauugnay sa lahi (gaya ng karakter ng buhok, kulay ng balat, o ilang partikular na katangian ng mukha). Ang diskriminasyon batay sa kulay ay may kinalaman sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao dahil sa kulay ng balat. Mahalagang maunawaan na ang hate crimes ay “message crimes kung saan ang taong gumagawa nito ay nagpapadala ng mensahe sa mga miyembro ng isang takdang grupo, at sinasabi nito na ang grupo ay kinamumuhian, walang halaga, o hindi kinakailangan sa isang partikular na kapitbahayan, komunidad, eskwelahan, o lugar ng trabaho.” (American Psychological Association 1998).
Maaari ding maugnay ang diskriminasyon batay sa lahi/kulay sa hindi kanais-nais na pagturing sa isang tao dahil siya ay kasal (o nauugnay) sa taong mula sa partikular na lahi o may partikular na kulay.
Maaaring mangyari ang diskriminasyon kapag ang biktima at ang taong nandiskrimina ay may parehong lahi o kulay. Ang iba’t ibang uri ng pagkakasala na nagagawa sa isang tao o pag-aari ay maaring motibado ng kasuklaman sa lahi o kulay niyo. Ilan sa halimbawa nito ay ang assault o pagsalakay, pagbanta, kriminal na panliligalig, at mischief.
Noong isang taon, May 25, 2020 mayroong African- American na nagngangalang si George Floyd, siya ay inaresto matapos na tumawag ang isang empleyado ng convenient store sa 911, at sinabi sa pulis na si George Floyd ay bumili ng sigarilyo at nagbigay ng hindi totoong $20 bill. Noon, ang mga black American ay kinokonsidera bilang isang kriminal o mga delikadong tao at iba ang pagtrato sa kanila.
Si George Floyd ay isang inosenteng ama, siya ay binawian ng buhay dahil walang awa syang tinuhod ng isang pulis hanggang sa siya ay hindi na makahinga. Marami ang binabawian ng buhay dahil sa kulay ng kanilang balat at isa na rito si George Floyd. Dahil sa mga pangyayaring ito, ay nagsimula ang pagprotesta laban sa kalupitan at racism ng mga pulis, ito ang Black Lives Matter na may layuning mabuksan ang kaisipan at matigil na ang diskriminasyon sa lahi/kulay.
Hindi natin makakalimutan ang kagimbal-gimbal na pangyayaring ito, ang pagkawala ng mga buhay mula sa pagmamalupit ng mga pulis dahil lamang sa kulay niyo. Ilang tao pa nga ba, tulad ng mga black American o maging ang mga Asyano ang malalagay ang buhay sa peligro dahil lahing pinamulan nito? ‘Wag natin hayaan na magtiis ang iba sa parehong sitwasyon, kaya’t panatilihin nating manindigan para sa karapatan ng lahat. Kailangan tayong makiisa at makipagtulungan upang wakasan ito sa ating mga komunidad; dapat natin malaman kung paano ito ire-report, at kung ano-ano ang hakbang kung tayo ay naka-witness o nakakita nito.
II. Diskriminasyon sa Trabaho
Ang diskriminasyon sa trabaho ay nangyayari kapag ang isang empleyado o aplikante ng trabaho ay itinuturing na di-kanais-nais dahil sa kanyang lahi, kulay ng balat, pinagmulan ng bansa, kasarian, kapansanan, relihiyon, o edad.
Ito ay labag sa batas na magpakita ng diskriminasyon anuman isang aspeto ng trabaho, kaya ang diskriminasyon sa lugar ng trabaho ay umaabot nang lampas sa pagkuha at pagpapaputok sa diskriminasyon na maaaring mangyari sa isang taong kasalukuyang nagtatrabaho.
Mga Remedyo rin Para Sa Diskriminasyon Sa Trabaho
Halimbawa, kung hindi napili ang isang tao para sa isang trabaho o promotion dahil sa diskriminasyon, maaaring kabilang sa remedyo ang pagkakapili para sa puwesto sa trabaho at/o back pay at mga benepisyo na natanggap sana ng tao.
Kakailanganin din ng employer na ihinto ang anumang mapandiskriminang kagawian at gumawa ng mga hakbang para mapigilan ang diskriminasyon sa hinaharap.
Maaari ding mabawi ng biktima ng diskriminasyon ang mga bayarin sa abogado, bayarin sa propesyonal na testigo, at gastusin sa hukuman.
Ang ibig sabihin ng Diskriminasyon sa Pilipinas at ibang bansa ay iisa lamang at nagkakaroon ng parehas na diskriminasyon, naiiba lamang ang klase at timbang ng diskriminasyon.
Halimbawa dito sa PIlipinas ay mas matimbang o mas madalas na nadi-discriminate ang pisikal na anyo o itsura, pati na rin ang kasarian nito. Ang paglilimita sa trabaho ng mga babae katulad na lamang ng pagiging sekretarya, kahit mayroong kakayahan ang babae na maging mas mataas pa ang posisyon ay napupunta parin ito sa lalaki. Sa ibang bansa naman ay mas madalas nilang nadidiscriminate ang mga lahi o race ng iba, at iba rin ang pagtrato nila sa mga ito. Maaaring makaramdam at magkaroon ng mas mataas na antas ng stress, poot, kawalan ng tiwala, hinala, sama ng loob, tunggalian at pagkalungkot ang nakakaranas nito na makakaapekto sa kalidad at kakayahan nitong magtrabaho.
“ANG BAWAT ISA SA ATIN AY ESPESYAL, KAPAG TINANGGAP NATIN ANG ISA’T-ISA, ANG LAHAT AY MAGKAKAROON NG MAGANDANG PAGSASAMA.”