Ang Labindalawang Gawain para sa Mag-aaral na Pilipino. Tukuyin!

Shaina Anne Dimaranan
5 min readJul 6, 2021

--

Una- Tumawid sa tamang tawiran

  • Isa na ang gawaing ito na magsisimula nating matututunan mula sa paalala ng ating mga magulang, kapwa at mga guro. Patunay na lamang na mayroon pang mag-aaral ang hindi sumusunod sa Gawaing ito. Layunin ng gawaing ito na magkaroon ang mga mag-aaral ng kamalayan o awareness sa maaaring maging epekto ng hindi pagsunod nito.
  • Ang mga paalalang ito ay makakabuti para sa ating mga mag-aaral upang magkaroon tayo ng disiplina sa ating sarili.

Pangalawa- Protektahan ang sariling karapatan bilang isang mag-aaral na Pilipino

  • Protektahan ninyo ang karapatan niyo bilang mag-aaral,dahil kapag alam ng mga mag-aaral kung ano ang tama, magka-karoon tayo ng lakas ng loob na ipaglaban ito, na kahit isang mag-aaral lamang ay matuto rin ang bawat isa sa atin na protektahan at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Pangatlo- Huwag magpalipas ng kain

  • Isa ito sa mga madalas na ginagawa ng mga mag-aaral ang pagpapalipas ng gutom, maraming masasamang epekto ang pagpapaliban ng kain tulad nalamang ng ikaw ay manghihina, magkakasakit at hindi lubos na makapag-isip. Mas mahalaga na kumain sa tamang oras at magkaroon ng laman ang ating sikmura. Huwag natin pabayaan ang ating sarili, maabot nating ang ating mga pangarap kung tayo ay malakas at malusog.

Pangapat- Magkaroon ng Motivation at Time management

  • Ang isa sa posibleng sanhi ng stress ng mga mag-aaral ay ang pagkakakroon ng tambak na gawain mula sa paaralan, sa mga gawaing bahay at iba pa. Mahalaga ang pagkakaroon ng motivation, dahil iispin mo kung para saan at kanino mo ito ginagawa at time management dahil ito ay makakatulong sa pagsasa-ayos ng oras ng iyong mga gawain. Bawat mag-aaral ay may mahirap na pinagdaraanan hindi dapat sumuko o mawalan ng pag-asa.

PangLima- Magkaroon ng pakikihalubilo o oras kasama ang mga kaibigan at pamilya

  • Bilang mga mag-aaral, mahirap magkaroon ng sapat na oras dahil sa dami ng mga ginagawa at pagsusumikap sa eskuwela. Mahalaga parin ang pagkakaroon ng oras at maka bonding ang iyong Pamilya o mga Kaibigan, dahil mapapatibay rin nito ang relasyon ng bawat pamilya. Paglaanan rin natin ng oras kasama ang ating Pamilya, dahil dito mararamdaman natin ang saya, suporta at pagmamahal ng ating buong Pamilya.

Panganim- Makilahok sa mga gawain sa paaralan

  • Bilang mga mag-aaral ay dapat na tayo ay maging aktibong makilahok sa mga gawain sa paaralan, dahil matutulungan nito ang ating paaralan, mga guro, at pati narin ang iyong sarili dahil tayo rin ang makikinabang rito. Mapapa-natili natin ang kaayusan ng ating paaralan sa pamamagitan ng ating pagtutulungan.

Pangpito- Iggalang ang watawat ng Pilipinas

  • Isa na ito sa mga itinuturo sa mga mag-aaral na Pilipino ng ating mga magulang at mga guro noong tayo ay mga bata pa lamang. Maraming paraan ang pagpapakita ng paggalang sa watawat ng Pilipinas na mga dapat nating gawin. Ang gawaing ito ay pagpapakita o tanda ng pagmamahal sa ating bansa.

Pangwalo- Pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga guro

  • Bilang mga mag-aaral ay itinuturo sa atin ng mga nakakatanda sa atin kung paano maging disiplinado at gumawa ng tamang asal. Nararapat lamang na irespeto at iggalang natin ang mga guro dahil para sa ating mag-aaral ay sila na ang tumatayo bilang pangalawa nating magulang. Sa simpleng pakikinig, pagbati, at pagmamano ay maipapakita natin ang pagmamahal at respeto natin sa ating mga guro.

Pangsiyam- Huwag mahihiyang magkumpirma sa mga Guro

  • Huwag mahihiyang magkumpirma sa mga guro kung may hindi ka naiintin-dihan o may aralin na hindi maunawaan, upang hindi ka malito at makakasagot ka sa mga takdang aralin at mga katanungan ng iyong guro. At sa mga guro nawa ay unawain natin ang mga mag-aaral at huwag pagtaasan ng boses dahil nakaka-apekto ito sa mga mag-aaral

Pangsampu- Ugaliin magpasa ng Takdang-aralin at mga Proyekto sa itinakdang oras at araw

  • Ang pagpapasa ng takdang-aralin sa tamang oras ay mahalaga dahil bilang isang mag-aaral ito ay nagpapakita ng pagiging responsable sa mga inaatas sa kaniyang mga gawain. Kung hindi maiiwasang mahuli sa pagpasa ay maaaring ipaalam sa guro kung ano ang dahilan at bumawi na lamang sa mga susunod na pasahan.

Labing isa- Maging positibo sa buhay sa kabila ng mga dumarating na pagsubok

  • Bawat mag-aaral ay may dumarating na mga problema at pagsubok sa buhay, ngunit gaano paman kadami ang mga ito ay kailangan nating manatiling positibo at manalangin na malalagpasan natin ang mga ito.

Labindalawa- Pagbutihin ang pag-aaral

  • Ito ang dahilan kung bakit nagsusumikap magtrabaho ang ating mga magulang, ang makapag-aral tayo ng mabuti at upang magkaroon tayo ng kaalaman na magdadala sa atin patungo sa ating mga pangarap.

•Ito ang Labindalawang gawain para sa mga mag-aaral na Pilipino, Ilan lamang ang mga gawain na ito na sa aking paningin ay dapat sundin at makakatulong sa mga mag-aaral na Pilipino patungo sa kanilang ika-uunlad at tagumpay.

--

--

Shaina Anne Dimaranan
Shaina Anne Dimaranan

Written by Shaina Anne Dimaranan

“What defines us is how well we rise after falling.“

No responses yet